Atin ‘to !
Kalikasan: Tunay na kayamanan. Ang kalikasan ang tunay na kayamanan. Ito ay ginawa ng Diyos upang gamitin natin para makatulong sa ating pamumuhay.
Matatayog na mga puno, mababangong mga bulaklak at mga magagandang tanawin. Ilan lamang ang mga ito sa mga likas na bagay na ating nakikita.
Bawat bansa ay may kanya kanyang likas na yaman na maipagmamalaki. Kaya nais ko sanang malaman ng lahat ang tungkol sa “Puerto Princesa Underground River” na matatagpuan sa Palawan. Ito ay isa sa mga pinakamagandang lugar ditto sa Pilipinas. Kaya naman ito ay isa sa mga kandidato sa “7 Wonders Of Nature”. Marami ring mga kasaling magagandang tanawin at lugar ditto sa paligsahang ito.
Sa ngayon ay tapos na ang botohan sa paligsahang ito. Ngunit hindi ito nangagahulugang hindi na natin susupotahan at aalagaan ang “Puerto Princesa Underground River”sana ay patuloy parin natin itong alagaan hindi lamang ito kudi ang lahat ng yamang likas dito sa ating mundo.